Tuesday, August 29, 2006

One Night Stand

One Night Stand
(Inspired by Twenty Questions by Juan Ekis)

(L at B magkasama sa isang motel, nagpapahinga sa kama)

B: That's great! (hinga ng malalim with smile)

L: Thanks??? Sorry, I dont know what to say. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong sitwasyon. (titingin kay B)

B: Dont worry the feeling is mutual and you fitted just fine. (smile)

L: Err.. pwedeng isa pa?

B: Gago!

(B hinagisan ng unan si L. Tatayo na si B, aabutin ang damit. hahawakan sa kamay ni L)

L: San ka pupunta? mamaya ka na umalis. sulitin natin ang bayad sa room, sayang naman, one night ang binayaran natin.

B: You mean, binayaran mo. so you think you own me for the night? kasi ikaw ang nagbayad ng room?

L: God! we're both adult here dont act childish. Sinasabi ko lang, pareho nating gusto ito, hindi kita pilinit at hindi mo din ako pinilit. so lets just make the most out of it.
B: ok ok sorry..

L: kwentuhan na lang tayo. taga-saan ka?

B: Pwede bang general ang tanong? Walang specific names and places. We only own this night.

L: Agree, agree. para wala din hassle pagkatapos.

B: may gf ka?

L: Bakit mo naman natanong? obvious ba?

B: lalaki ka konting kalabit lang papatol na, kahit attached.

L: Pero kung panget yung kumakalabit, wag na lang.

B: Wow maganda pala ako.

L: Hindi ko sinabing maganda ka.

B: Bastos! Edi panget pala ako.

L: Hindi ko din sinabi un... Bakit?

B: Anung bakit?

L: Bakit ka pumayag na makipag-sex?

B: Wala, tawag ng laman. Minsan kaming mga babae kinakati din, minsan hindi namin mapigilang kamutin, minsan mas masarap may katulong kumamot, lalo na kapag mahirap abutin. Akala nyo siguro mga lalaki lang ang nakakaramdam nun.

L: Whoa! Man-hater ka ba? Kanina ko pa napapansin lagi mo kaming tinitira.

B: Hindi naman, madami nga ko friends na guys. Actually karamihan ng friends ko ay lalaki.
Sabihin na lang nating masyado kong kilala kayong mga lalaki kaya madali ko kayong matira.

L: Les ka ba?

B: San nanggaling yun?

L: Wala lang, madami kang friend na lalaki tapos nakikipagsex ka sa minsan mo lang nakilala.

B: haha.. ganun lang les na ako? madami lang ko friends na guy. ewan ko, may mga bagay kasing magandang pag-usapan ng opposite sex. ibang perspective, pananaw. Ikaw ba, ilan ang friend mo na babae? Ung talagang close lang, walang romantic blah blah

L: Hmm.. wala ata..

B: You mean, kapag type mo fine-friend mo muna?

L: Oo, magandang tactic un. Getting to know each other hehe

B: Sa akin bullshit un. Kasi kung friend, friend. Kung may motibo, sabihin agad. Badtrip kasi ung pinagkatiwalaan mong kaibigan tapos liligawan ka. Parang ginamin yung friendship.

L: Pero di ba? mas maganda munang magkaibigan? Para wala ng ilanganan, magkakilala na kayo. You dont have to put your best foot forward kasi alam na nya kung nagpapanggap ka lang na kaliwete. Isa pa, if the relationship didnt work, you still have friendship to cling on, which you have in the first place.

B: may case naman na nasisira din ang friendship dahil may pinasok na relationship.

L: (mag-iisip) As you say, siguro nga, case to case.

(tahimik)

B: Hindi mo sinagot ang tanong ko, may gf ka?

L: hmmm.. hindi ko naman matatawag na gf kasi ndi na kami nagkikita, naguusap. parang cool off. walang closure.

B: Labo naman nun, anu un nagkasawaan na kayo?

L: Hindi, sya ang nagsawa. Hindi na lang siya nagpakita. Pinupuntahan ko sa boarding house, sa bahay nila pero halatang halatang pinagtataguan ako. Masakit, kasi wala akong maisip na dahilan para bigla na lang ibalewala. Sa akin naman kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. kung saan sya masaya, masaya na din ako. oo pathetic pakinggan, pero totoo. may nanliligaw na sa kanya ngayon, balita ko, malapit na nyang sagutin.

B: so is that it? kaya ka pumayag? para gantihan sya?

L: revenge is sweet, right? but no, this is not a revenge. tawag lang ng laman.

B: haha pareho pala tayo

L: oo nga.

(tatawanan)

L: my turn, may bf ka?

B: wala, kaya nga matagal na akong tigang, hindi ko lang napigilan ngayon. hehe

L: seryoso? nagka bf ka na?

B: yup. once pa lang. matagal na kaming wala.

L: bakit?

B: why? kasi nakabuntis sya. hindi daw nya sinasadya. nagpakasal sila.

L: wow sakit.

B: yup. alam mo un? parang literal na dinikot ang puso ko, nilamukos at pinukpok ng martilyo.

(buntong hininga)

B: ilan na naging gf mo? nagse-sex kayo?

L: hmm.. im not the kind of guy who kiss and tell.

B: oh c'mon. anu bang mawawala kung sasabihin mo? pagkatapos nito ndi na tayo magkikita.

L: oo nagsesex kami. ayan. ayus na.

B: teka hindi naman kita hinusgahan, nagtatanong lang. ikaw ba ang nakakauna?

L: ung una kong gf, alam kong ako. ung pangalawa sabi nya ako, pero parang hindi. ikaw?
malamang ung bf mo ung una.

B: yup. pinagpraktisan yata ako. hehe.

L: bakit? dahil ba mahal mo?

B: oo. di ba sabi nila "when you love, have something left for youself, so that if it wont work out, there is something left for you" you know what? i rather left with nothing. pag nagmahal ako binibigay ko ang lahat para kung sakaling it wont work its not my fault, because i know i tried my best. ganun ako.

L: wow. no regrets?

B: (umiling)

L: mahal mo pa din?

B: hmmm.. panu ba? ayaw ko namang sabihin na wala ng feelings. syempre, minahal ko din sya, at somehow, may natitira pa din. try as i might, meron pa ding nights that i can help but cry. kahit alam kong ginawa ko din ang lahat. i know.. i know.. pathetic.

(natahimik)

B: Bakit natahimik ka?

L: Wala lang, wala naman akong sasabihin. Halika ka nga..

(hinila sa tabi ni L si B)

L: sinong magaling sa amin?

B: teka, did i miss something? may contest ba?hehe seriously, hindi ko na matandaan. masyado ng matagal.

L: no problem, ipapaalala ko sa iyo.

(pumaibabaw muli si L kay B)

;;